Wednesday, July 15, 2009

drop it like a hot potato :)

hmm..una sa lahat,salamat sa mga nagtiyagang bumasa ng first ever ever ever blog ko,maraming salamat! haha feeling ko naman ,at infairness,marami nagtext sken,humihingi ng advice!? anu ako? si Dr. LOVE??? haha don't get me wrong,nakakaflatter yun, ang cute,kasi di naman ako hustler pagdating sa love ehh.. :))

anyways,eto yung mga problemang narinig ko sa mga araw na namayapa ang aking kaluluwa kaya di ako nakapagblog ulit :p alam mo pards,medyo natatawa ako ehh,kasi alam naman nila yung sagot sa mga problema nila,pero bulag bulagan ang eksena.. di ko na masyado hahabaan isa lang naman ang gusto ko ipahiwatig.hmmm friends,i care so much about you,eto para sa inio! :*

-sa mga taken na medyo nafo-fall out of love,
-sa mga ex na patuloy na naghahabol sa kanilang mga ex,
-sa mga may mga tamang hinala,
-sa mga hindi na masaya sa kanilang relasyon,
-nanloloko,
-nagpapaloko,
-niloloko ang mga sarili..


drop it ! :)

ito ay para sa lahat...
***wala po yang patutunguhan,kawawa lang kayo parehas sa huli..
sa previous blog ko sinabi ko na bigyan ng dignidad ang sarili,pag hindi na naayon sa kagustuhan mo ang mga ngyayari..it's best to let go,ang pagsuko hindi nangangahulugan ng "pagkaduwag",kung talagang matapang ka,dapat alam mo kung kelan ka dapat sumuko diba :)
in the end,sasaya ka pa rin (atleast natapos na ang kalbaryo mo)..kasi kung talagang minahal mo ang isang tao,walang masarap na breakup,lahat masakit..kahit gaano pa kahinahon ang pag-dump mo sa iyong partner,masasaktan mo parin siya..(pano ko nalaman???)BASTA haha Marami na akong nakita ,narinig na experience about this stuff so yeeaahh..yun ang opinyon ko,hindi ko sinasabing kelangan nio ko sundin,again,(choice mo yan ehhh) pero kung hindi na healthy ang relationship ..alam nio na :) Again and again..makakahanap ka rin ng tao para sa'yo,ang pagmove-on hindi nangyayari overnight.,.syempre proseso yan. ang masasabi ko lang wag mo pahirapan sarili mo.maraming tao sa mundo..(sa mga tinamaan,buti naman) :P

* know wutt im sayin? :))
let's be happy! free your spirit from crap :P

TAPOS.THE END.AHH-UHM!

Friday, July 3, 2009

save a life,save a heart

ganito kasi un kid haha first time ko gumawa ng blog so okay gagawa ako as if ako lang ang makakabasa =D

i'm 17 years old,and i never had a boyfriend,i mean A REAL BOYFRIEND. M.U,fling ,unofficial relationships lang..i guess hanggang dun lang muna,atleast dba naexperience ko na rin yung may nagbabawal saken,yung may magtetext every single day,mag-iinspire sayo kahit papano,nagtutulak sayo para magsuklay,magmakeup,magdiet! come on! totoo naman diba?pag may boylet parang dapat lagi maganda???haha anyways..why am i saying this kahit alam kong wala kayo pakialam? narealize ko lang,di mo naman kelangan maging commited para mainlove..kasi LOVE IS FREE.you are free to love,kahit sinong gusto mo,yun nga lang don't expect something in return,that's how it works bizatch! :P para sakin,sa love dapat realistic tayo,be ready for what's gonna come,don't expect too much kasi no expectations,no rules! no rules, no dissapoinments! no dissapointments, no fuss! Kasi tao lang tayo, ang mga tao,likas na pasaway,di mo maiiwasan ang makasakit ng ibang tao,di mo rin maiiwasan ang masaktan di-buh!? so eto ang few advices ko sa mga bnreakan,sa mga nareject or nabusted at sa mga simpleng naheart broken lamang..


Pag nasaktan ka na,eto ang mga dapt mong gawin, alam ko iniisip mo tsong!
*mag-inom
*humanap ng rebound
*maghiganti bwahaha
*maglaslas(uso toh)
*maging bitter ever!
*isumpa ang dating karelasyon
*magmakaawa
*magmukmok all day everyday :'(

dang baby! old school na yan! sa tingin mo anu mangyayari sayo pag ginawa mo lahat yan?
-lalaki ang tyan mo
-makakasakit ka ng tao
-emo ka? heloow! anu ka neurotic? tsk tsk
-pagtatawanan ka lalo ng ex mo
-di mo alam mas nauna na syang isumpa ka,matagal na!
-lalong magmamaganda/magfeeling pogi ex mo
-papanget ka lalo ,wala na papatol sayo :p well ang famous line ko (choice mu yan eeeeehhh!)


sa halip na gawin mong miserable ang buhay mo taena! ipakita mo na isa kang malaking winner,at siguraduhin mong pag nakita ka nia ay matutulala sya sayo at sasabihing (shet! ang ganda/pogi pala nia,sayang!) oh dba? panis! sino ang loser ngayon? hahaha :))

ganun lang yun mga tol,tsong,parekoy,mare,bakla,gurl,shawty ,homie,dawg,brad,sis, and many more!be strong! pag nireject ka,di sya para sayo,marami pang tao sa mundo,at pag hindi masaya ang ending ibig sabihin di pa un ang katapusan.kasi dapat laging happy ending,parang fairy tales lang! :) ang importante sa lahat ng ginagawa mo meron kang dignidad,di ko sinasabi na dapat kasing taas ng mt.Everest ang pride mo,pero dapat mahal mo rin sarili mo above all,di rin ibig sabihin nun ehh maging vain ka masyado! kasalanan din un,mild lang..alamin mo ang halaga mo bago makita ng ibang tao yun para kwits,para matiwasay ang pamumuhay mo :) kasi kung talagang para sayo ang isang tao,kahit anu pang mangyare,mamatay man sya,babangon sya upang ibigin ka..shet grabe na itoh! kasi kung di ka naniniwala sa destiny,serindipity,faith,at kung anu anu pa,,in a way, totoo yun.may plano c Bro para sa ating lahat.(sino c Bro?- c Jesus! sabi ni Santino) hehe so yeah! ganun yun :) good things come for those who wait,don't act as if mamamatay ka na bukas pag iniwan ka ng iyong significant other.. kasi si Bro lang ang nakakaalam.ang maganda mong gawin.. LIVE YOU LIFE DAY BY DAY,DON'T DWELL ON WHAT HAS HAPPENED,BECAUSE YESTERDAY IS NOW PART OF YOUR PAST :0 dba?may point dba? dba? :) so cheer up honey! keep your head up high! look in the mirror and say, ang ganda ko oh! kung lalake ka naman, sabihin mo taena ampogi ko amp! that's the spirit kaya mo yan..pag confident ka,dami maghahabol sayo :)


-tapos! done! ah-uhm! peace ya'll ^_^v